Sa Piling Mo paganda ng paganda ang kuwento!!!!!
at hindi ni minsan nilampaso!!
Maganda ang kuwento ng teleseryeng Sa Piling Mo kaya kahit pilot episodes ng bagong show ng katunggaling istasyon ang ipinantapat sa soap opera nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, hindi ito nailampaso sa ratings.
Kung ang mga pilot episodes ng mga telefantasya noon ay nagri-rating ng 49%, ang ipinantapat sa Sa Piling Mo ay naka-34%.
Hindi nagpalamapaso ang kakiligan nina Judy Ann at Piolo Pascual sa salamangka ng bagong telefantasya.
Masyang-masaya nga ang executive producer na si Des Tanwangco na nagkuwento na kuntento sila sa hindi bumababa sa 30% ang ratings ng soap nila na may semi-pilot ngayong linggo.
Kapana-panabik ang Sa Piling Mo ngayong linggo dahil magkikita na sina Adrian (Piolo Pascual) at Katherine (Judy Ann Santos).
Isang mayaman na Adrian ang makikita ng maganda, mayaman din at mahabang buhok na si Katherine Chuatoco…
Ngayong nagtapat na si Adrian (Piolo Pascual) kay Nicole (Rica Peralejo), may lugar pa ba si Jennifer sa puso niya? Isang hindi inaasahang pangyayari, ang magpapabago sa mapayapang buhay nina Adrian at Nicole.
Isang pangyayaring susubok sa binitiwan niyang pangako ng pag-ibig kay Nicole.
Samantala, para kay Katherine, ang kanilang pagmamahalan ni Adrian ay tila isang panaginip na lamang.
Sa kanyang bagong buhay, sina Benicio (Albert Martinez) at Jeremy na lamang ang pumupuno ng kanyang bawat araw.
Hanggang sa dalhin siya nito sa isang bagong mundo — sa tubuhan at sa Azucarera Fuentebella.
Sa bagong mundong ito, makikilala natin sina Marissa (Maja Salvador), Russel (John Wayne Sace) at Norma (Lotlot de Leon)… isang pamilyang may hawak ng susi sa nakaraan ni Benicio.
Sa bagong mundong ito rin mabubuhay ang isang alaala, ang isang pagmamahalan.
Dito naghihintay para kay Katherine ang lalakeng inakala niyang nawala na sa kanya — si Adrian.
Makikilala pa kaya ni Adrian si Katherine bilang Jennifer? Sa muling pagkukrus ng kanilang landas, sino ang masasaktan? Sino ang mawawalan?
Inihahain ni Benicio ang isang kinabukasan para kay Katherine. Binubuksan ni Nicole ang puso ni Adrian sa bagong pag-ibig.
Mababalikan pa kaya nila ang nakaraan o mananatili na lamang ba itong isang magandang alaala?
Source: Abante Tonite (Alfie Lorenzo)
Toni Dumating na sa San Francisco, Calofornia.
SAN FRANCISCO, CALIFORNIA --- Dumating sina Rachel Ann Go, Anne Curtis, Carlo Aquino at Maja Salvador noong Miyerkules nang hapon dito sa San Francisco. Noong Huwebes nang hapon dumating si Toni Gonzaga kasama ang kanyang butihing ina.
Hindi ininda ng grupo ang pagod sa biyahe. Agad silang lumabas at nag-ikot sa San Francisco Bay area.
Maski si Toni ay nagpalit lamang sa hotel at sumali na sa grupo sa pag-iikot sa mga mall dito.
Kinagabihan ay dumalo sila sa isang dinner na ibinigay ng Solita’s Restaurant sa San Bruno kung saan may mga kababayan natin na dumating para makipagtsikahan, magpalitrato at magpa-autograph sa kanila.
Naaliw kami sa entourage na ito dahil walang pasaway at nagkaroon sila ng bonding na hindi nila magawa sa Pilipinas, lalo na si Toni na hectic ang schedule.
Bago umalis si Toni ay binigyan siya ng despedida o send-off party ng mga kasamahan niya sa PBB-Celebrity Edition.
Seryoso pala ang panliligaw ni Luis Manzano kay Toni. Hanggang sa pag-alis ni Toni ay nasa airport ang gwapong anak ni Ate Vi para ihatid ang dalaga.
Sa pakikipagtsikahan namin kay Toni over breakfast ay nalaman namin ang mga lalaking nagpaparamdam sa kanya o masasabi natin na nagbabalak ligawan siya.
Hindi niya binibigyan ng pag-asa ang mga ito dahil sa tingin niya ay makakasagabal ang mga ito sa mga trabaho niya.
Hindi naman niya binabastos ang mga ito at pinakikitunguhan niya ang mga ito in a friendly way.
Ayon pa kay Toni, dati ay super-kulit si Luis pero ngayon ay nagbago na raw ito at kung kaya nagkakasundo na silang dalawa.
Pagkatapos ng mga shows niya dito sa California ay balak pang pumunta ni Toni at ng mommy niya sa New Jersey para bisitahin ang mga kamag-anak nila roon.
Source: Abante Tonite ( Joe Barrameda )